Salamat

TO ALL MY CONSTANTS

Isang milyong pasasalamat saiyo

dahil sa hindi pagbitaw

sa mga panahong napagod ako.

 

Sa bawat “kamusta ka, okay ka lang ba at miss na kita.”

Sa lahat nang “kita naman tayo” na naituloy.

Sa mga pag-alala kapag narinig mo ang paborito kong kanta

o sa bawat ngiti  kapag tintikman ang luto kong chamba.

 

Salamat sa pag.intindi kapag akoy nagdadrama.

Sa mga lambing kapag ako’y okay na.

Sa bawat madaling-araw na pinagsamahan

At sa bawat pelikulang sabay nating iniyakan.

 

Salamat sa bawat pakikinig at pagpahid nang mga luha

Sabawat  pagpapatawa sa kapag nakasimangot na

Sa bawat halakhak na ating pinagsalahuan

Sa bawat kantang sabay natin nilaban sa kantahan

 

Sa salamat sa pagmamahal na alay mo

Lalo na nung hindi ko na kayang mahalin ang sarili ko.

Salamat sa pagpapaalala nang halaga ko,

Sa walang sawang tiwala na kaya ko.

 

Salamat sa hindi pagbitiw. Salamat sa paglaban kasama ko.

Salamat kasi umabot tayo dito.

Ngayong 2019, mas okay na siguro ako.

Siguro. Sana. Pero sana magkasama parin tayo.