Becoming Mindful: #BiglaangThoughts regarding election and engaging peacefully

Grabe sobrang toxic na ng social media dahil sa election. Friends become enemies, family members not talking to each other because of differences of political views. OMG.

I’ve talked to different people the past weeks and iba-iba sila ng rason bakit nila iboboto yung gusto nilang iboto. FYG, hindi ko sila tinanong about elections sila mismo ang nag.oopen ng conversation about it, meaning gusto nila matuto at makipag.engage and I’ve learned a lot during those conversations and hopefully helped them to be critical in their decisions.

Sabi nung isang nanay na nakausap ko last week, “Huwag natin ibenta ang boto natin dahil parang benebenta din natin yung karapatan nating magreklamo kapag naka-upo na sila”.

Sabi naman nung isang taxi driver na nasakyan ko papuntang palengke kanina, “iboboto ko ito kasi tahimik lang sya at hindi naninira hindi katulad ng kalaban nya na laging sinisiran sya” —

Sabi naman ng grab driver kahapon, “iboboto ko ito upang maipagpatuloy nya ang mga ginawa na ng kasalukuyang administrasyon kasi naramdaman ko talaga ang pagbabago sa komunidad”

Iba-iba tayo ng pinagdadaanan at iba-iba din ang ating dahilan kung bakit natin iboboto ang mga gusto nating iboto. At isa sa mga natutunan ko when I started travelling is that exactly 100 years ago, iba-iba ang nangyayari sa bawat tao o bansa na naglelead sa kung ano ang pinaniniwalaan nila ngayon. Sino ang nagsasabi ng totoo? Sabi ng kabila – sila ang nagsasabi ng totoo, sabi naman ng isang panig, sila daw ang nagsasabi ng totoo. Pero, sino ba talaga ang nagsasabi ng totoo? May ibat’iba tayong katotohanan. At hindi ibig sabihin na hindi ito nangyari sayo ay hindi na ito totoo para sa iba at vice versa. (daming chika gurl)

Okay — so ayun nga, while listening to them I realized a few things:

Integrate than polarize. Ano ba ang motivation nila bakit nila iboboto ang mga kandidato na gusto nila? Hindi natin pwede sabihin agad na dahil binayaran sila or dahil may pwede silang makuha. Ano ba ang paniniwala nya? Instead of judging them of their decision to vote/support someone. Integrate. Ask questions (politely). Let them tell you their stories. Make them feel that you are their friend no matter the differences in opinion.

Explore beliefs instead of facts. Minsan kahit ilatag mo na sa harap nila nang “facts”, hindi neto mababago ang decision nila at minsan nagcacause pa ito ng division. Instead of asserting what you think is right, tanungin natin sila tungkol sa kanilang mga kwento bakit ito ang decision nila. Actively listen to them. Listen to understand and not to reply and then reframe your points to align with their framework. Mas pag.isipin nyo sila na mas maging critikal at mapanuri, huwag natin silang ijudge. Tulungan natin sila. Again, politely and mindfullly.

Natuwa ako dun sa grab driver after our conversasion when he said, “actually hindi pa naman po ako decided, baka mag.bago pa ang isip ko, may ilang araw pa naman bago ang election.” Kasi ibig sabihin napa.isip ko sya.

Be mindful of what you say and peacefully communicate your thoughts online man ito o offline. Pay attention to your own thoughts and beliefs. Conflict is always gonna be there. Hindi yan mawawala at hindi natin controlado ang iisipin, sasabihin at gagawin ng iba but we can always control ourselves.

Let’s focus on the things that unites us, at isa na rito ang pagmamahal natin sa ating bansa.

Ang daming chika. yun lang. LET’S BE MINDFUL and TAKE CARE OF OUR MINDS AND HEARTS<3

OKAY OKAY, BINASA MO BA HANGGANG DULO? Cge nga, paano ka magiging mindful regarding election-related churva? Type nyo sa comment section.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.