High School Life, Oh My High School Life.

High School, ang daming alaalang bumabalik sa tuwing naririnig ko ang salitang yan. Napakaraming tao ang tumatak sa akin, mga pangyayaring hindi kailan man makakalimutan at mga damdaming nakatago lang sa isang bahagi ng aking puso.

Nag-aral ako ng High School sa DANIEL R. AGUINALDO NATIONAL HIGH SCHOOL sa Davao City. Taga Cebu talaga ako ngunit kinuha ako ng Tita ko upang doon na mag-aral. Malungkot ako nung unang buwan ko noon sa Davao, syempte bagong mga kaibigan, bagong mga pakikisamahan. Ngunit sa awa ng Diyos, nakasurvive naman ako ๐Ÿ™‚

Ngayon, ililista ko yung mga taong tumatak sa akin during High School. ( no particular order :))

CLASSMATES

1. SARAH – Siya ang pinakauna kong nakilala sa DRANHS, first day of school noon at naghihintay siya doon sa labas ng klasrum, nagtanong ako sa kanya kung saan ang Section Bombil, yun pala kaklase ko siya. Naging magkaibigan kami simula noon ngunit hindi kami naging ganun ka close dahil may sarili siyang set of friends ako din naman ay may sariling grupo. Kaklase ko siya simula First year to third year. Third year kami nang maging sobrang close kami at dahil doon, nabuo ang VIRGINS kasama sila Michelle, Camille at Richelyn. Lima kami at dahil uso noon ang F4, kami kunyari ang f4 tapos si Michelle si San Chai dahil siya ang may long hair sa amin. ( Update: Wala akong update, parang bigla syang naglaho sa facebook)ย 

2. KRISSEL – Siya ang pinakagalante sa lahat ng mga kaklase ko, baby nga niya ako dati at lagi din nya akong nililibre simula first year palang kami. Hindi ko siya naging kaklase noon Third year pero love na love nya padin ako, dahil parehas kaming mahilig sa SlumDunk at Meteor Garden, binibilhan nya ako ng stickers and keychain ng mga yun. Parehas kaming mahilig magbasa ng pocketbooks, kaya naman nagkakasundo talaga kami. Sa kanya ako lagai humihiram at madalas sabay kaming nagbabasa pag recess. Crush na crush niya dati si Joseph Yeo ng DLSU kaya pati ako naadik na din sa UAAP. ย  ย  ย  ย  ย  ย  ( Update: Nurse na sya at may boyfriend sya ngayon)

3. AUGUS – Siya ang leader namin sa SHOLOLOTERS kasama sina Krissel, Angel, Dyanne, Ivy at Erna. He is very talented, he draws, he sings and he can also dance. Relate kami dahil taga-Cebu din ang pamilya nya. Naging close kami dahil lagi kaming nagkwekwentuhan at madalas nagdadrawing siya at binibigay niya sa akin. After we graduate from HS, magkikita dapat kami nung andito siya sa Manila kaya lang nalaman ko nalang na walaย na siya dahil sa TB. Nagsisisi tuloy ako na hindi kami nagkita ulit ๐Ÿ˜ฆ

4. JOSEPHINE – Siya yung siga sa mga kaklase ko simula palang noong first year kami, chay-chay sila kung tawagan. May maraming hikaw at makapal na medyas yan yung teademark ng mga chay-chay. Ngunit kahit ganun siya ay naging close ko padin siya, first year kami nang mahilig kami oarehas sa soccer. May soccer team ang school namin at yung isang player ay boyfriend niya at yung isa naman ay crush ko. Kaya naman lagi akong nakabuntot sa kanya. Hehe. Hindi ko siya kaklase nang third year ngunit nang maging magkaklase kami noong fourth year ay mas lalo kaming naging close dahil bukod sa seatmate ko siya ay lagi akong nangongopya sa kanya sa Algebra ( PS. I hate Algebra) Siyanang lagi kong kasabay maglunch at kasama din kami sa 4th year group of friends ko kasama sina JOoy, Jhoice and Rea. Even after HS ay lagi kaming nagkakatext at lagi ko siyang binibigyan ng mga love advices. ๐Ÿ™‚ ( Update: May 2 babies na sya ๐Ÿ™‚ )

5. THE “J” SISTERS – iyan ang bansag ko kela Jen, Joy at Jam dahil obviously lahat ng pangalan nila nagsisimula sa J. Hehe. Fourth year ko lang sila naging kaklase pero gustong-gusto ko sila, bukod sa sobrang mababait, matatalino at talented pa ang mga babaeng ito. ( May family na si Joy while Jam and Jen are still single, I guesss. )

6. RRB – Siya yung crush ko simula palang noong First Year High School ako. Ang linis at ang bango niya kasing tingnan. Hehe. Mas lalo pa tumindi yung paghanga ko sa kanya noong third year kami dahil sa lagi kong nadadaanan ang kanilang room kung kaya naman mas lagi ko siyang nakikita. Para akong naging stalker noon dati, mukha akong gaga kakasunod sa kanya, pero kunyari wala lang. Fourth year kami nung magkalapit yung mundo namin ( chos pang telenovela ang drama) Kaibigan din kasi siya ng mga kaklase namin at magkatabi pa kami ng room, bukod sa lagi siyang tumatambay sa room namin ay close pa niya yung bestfriend ko kung kaya naman paminsan-minsan nakakachancing ako ( hihi. Shhh) Sobrang hinangaan ko ang taong to, hindi na din ako magtataka kung bukod sa akin marami pang patay na patay sa kanya. ๐Ÿ˜ ( Update: Gala sya ng gala)ย 

7. BRUCE – Transferee siya noong second year kami, at dahil mabait ako, ako yung unang pumansin sa kanya sa unang araw niya at doon na nagsimula ang pagiging close namin. Lagi kaming nagkwekentuhan lalo na sa kanyang lovelife at paminsan-minsan binibigyan ko din siya ng payo. Medyo pasaway tong isang ito dahil minsan lang pumasok sa klase kaya naman lagi siyang may sermon mula sa akin. Pinaka hindi ko makakalimutan sa kanya ay “mabango siya” kaya gustong-gusto kong nakadikit sa kanya. Hahaha ( Update: Tinatapos nya ang course nya at he is inlove)ย 

8. MAMY CINDY and DADY JHON – Sila yung couple namin sa IV-Pearl, sobrang bait ni Mamy Cindy at Dady John ( sila padin until now) at ako naman ang kanilang baby ๐Ÿ™‚ Spoiled ako sa kanila lalo na kay Cindy dati, pasaway kasi ako noon kaya lagi nila ako sinasaway ๐Ÿ™‚ (Update: They are still together until now, OMG relationship goals! )

9. REA – Bestfriend ko siya noong fourth year. Mabait, maganda, talented pa, kaya naman marami ang nagkakagusto sa kanya. Seatmate ko din siya kaya naman naging close kami, di ko makakalimutan noong sumali siya sa MS. DRANHS ay ako ang kanyang naging campaign manager, nililibot namin ang buong campus para manghinginng piso sa mga estudyante, pinakamaraming makuhang piso ay mananalong Campus Idol at ayun nanalo naman siya sa awa ng Diyos hehe. I am so proud of her and talagang proud ako dahil kaibigan ko siya until now. ( Update: May asawa at anak na sya)ย 

10. RENDELL – Una ko siyang maging kaklase noong third year, kaming dalawa ang naglalaban sa Top Spot kaya naman medyo may competition sa aming dalawa ngunit hindi iyon naging hadlang para hindi ko siya maging crush haha. Matalino kasi siya, parang hindi siya marunong magalit at napakabait pa. I love talking to him dahil medyo deep siyang tao. Noong fourth year kami, binigyan niya ako ng POOH nung Christmas Party, at hanggang ngayon nasa akin parin yung POOH hehe. I will always admire his patience and outlook in life. ( Update: Ikaakasal na sya)ย 

11. JENEVEB – Siya yung mother Jen ng lahat pero mas close kami simula first year haha. Kahit hindi ko siya kaklase noon third year ay lagi kaming nagsusulutan, parang ang layo ng room namin pero nasa baba lang naman sila. Hehe Lagi nya akong binibigyan ng advices at lagi siyang handang makinig lalo na kapag may problema ako. Mother jen tawag namin sa kanya dahil para siyang madre, siya din yung pinakamatangkad sammga kaklase kong babae. ( Update: Nasa Dubai sya ngayon)ย 

12. ALVIN – Noong una ko siyang makilala nung 3rd year first day of school, hindi ko talaga siya nagustuhan. Nayabangan ako sa kanya at ito namang si Michelle ( friend ko), crush na crush siya. Ngunit as days pass na lagi ko siyang sinusungitan at ako naman ay kinukulit niya, naging magkaibigan din kami. Madalas kaming magkwentuhan about NBA at WWE. Sila ni Bruce yung boy friends ko noon third year. Naging close kami ng bongga nang third year pero nang mag-fourth year kami since hindi ko na siya naging classmate nagkailangan kami at hindi na nagpansinan. Hindi narin naman kami nag-uusap kaya parang wala lang din. Last quarter ng 4th year ng muli kaming maging close, parang walang nagyari at ayun close uli kami, ilang araw na kwentuhan galore lang ang nangyari para makacatch-up sa isa’t-isa. Palayakap akong tao at lagi ko siyang hinuhug ang sarap niya kasing yakapin haha. Kaya tuloy akala ng mga kaklase ko dati ay naging kami daw, well.. I wish ๐Ÿ™‚ hahaha. Chos lang ๐Ÿ˜€ ( Update: Just got married last year)ย 

PS: Pansin ko lang para ako nalang ang walang anak o walang lovelife. geeed. Nakakapressure.

 

FAVORITE HSย TEACHERS

1. MS. MARY ANN JAMITO – I guess at some point naging parehas kami ng situation, waiting for the one i love to love me back. Hehe yung lovelife nya ang kanyang favorite topic dati at talaga namang nainspire ako sa kanya. Hindi sila nagkatuluyan ni Albert ngunit may binigay si God na mas better para sa kanya, sino ba ang mag-aakalang porenger pala ang nakatadhana sa kanya? Well, bukod sa gusto ko siyang magkwento, napaka-effective din niyang teacher, siya ang pinakapaborito ko sa lahat dahil strikto siya ngunit marunong din siyang magpatawa. She made sure na nagagamit namin ang aming talents at she always encourages us to go beyond our limits. Ako yung pet nya dati dahil ako taga-hatid ng gamit nya pagkatapos ng klase niya sa min. Hindi ko alam paano yun nagsimula pero algi akong tagahatid ng gamit ng mga teacher hehe.

2. MS. LORNA TEMPORAL – English teacher ko siya noong third year, teachers pet din ako at ang pinakagusto kong part ay hinahatid ko ang mga gamit nya sa next class niya kung saan nandoon ang crush ko haha. Idol ko talaga ito si Ma’am, strikto ngunit hindi mo siya ihahate dahil napakagaling niyang magturo. Marami nga akong natutunan sa kanya eh, pwera biro ๐Ÿ˜€

Marami pang teachers ang naging paborito ko katulad nila Mr. Lopez ( 1st yr science), Ms. Cabantog ( 1st yr Values), Mr. Dupa ( 3rd yr History), Ms. Duguran ( 4th yr Math) pero yung dalawa yung pinakapaborito ko dahil bukod sa paborito ko ang English na tinuturo nila, sa kanila din ako nakarelate ng bongga ๐Ÿ™‚

MGA DI MALILIMUTANG HS MEMORIES

1. Yung tag pipisong juice dun sa gilid ng school na binabalik-balikan namin, hindi siya masarap matabang actually ngunit sumasarap narin dahil sa uhaw.

2. Dahil medyo OC ako pagdating sa CR na gagamitin ko, ako mismo naglilinis ng CR namin noong first year high school kami, araw-araw.

3. Yung kantang “If ever you’re in my arms again” nagasgas na yan noong first year HS kami. Mas isang singing group sa mga kaklase ko dati na laging kumkanta at ito nadin ang naging theme song ng batch namin. Araw-araw yang maririnig sa classroom namin dshil may dala din sila radyo.

4. Yung labanan ng soccer ng DRANHS at ADDUHS sa school namin, finals yun at dahil crush ko yung number 6 from Ateneo ay talagang sinubaybayan ko yun. Enjoy ang lahat at puro sigaw ang naririnig ko nang sinipa ni no.6 ang bola sa akin dumerecho, ang sakit sa ulo pero namula ako hindi dahil tinamaan ako ng bola kundi dahil tinamaan ako sa kanya. Haha. Lumapit siya sa akin para kunin ang bola, gosh parang tumalon ang puso ko sa saya. Parang nanalo andin ang school namin kahit na natalo sila ng ADDUHS hehe.

5. Second Year – nahuli ako ng Math teacher namin na nagbabasa ng pocketbook sa likod ng Math book ko. At ayun dahil dun naging Teacher’s Enemy No.1 ako, simula din nun ay madalas ko na siyang barahin. Akala ko maapektuhan grades ko, buti naman hindi hehe.

6. Yung mga field demonstrations namin every year tuwing foundation day inaabangan ko talaga iyon. Astig yung batch namin dahil grand slam kami sa 4th place. Simula first year hanggang 4th year ako, hindi man lang nakatikim ng kahit 3rd place yung batch namin. Haha. At least nasustain namin ang pwesto, grand slam pa ๐Ÿ˜€

7. Meteor Garden Fever – May 2003 yun unang pinalabas sa Pilipinas at talaga namang marami ang nabaliw dahil doon, isa na ako sa mga baliw na iyon. Tuwing hapon dali-dali na akong umu-uwi sa bahay para lang maabutan ko ang MG, grabe para akong ililipad ng hangin sa pagtakbo ko. Kung ano-anung memorabilla din ang binili ko, pati poster nila sa kwarto ko kinakausap ko na pag gabi, baliw diba? Mga kanta nila ay kinakanta ko na din kahit na hindi ko naman naiintindihan, pero memorize ko naman. I know, everyone in my batch would agree na napakalaking parte ng MG sa HS life namin ๐Ÿ™‚ Napakaraming memories din kasi ang dala ng palabas na ito, ngayon nga eh marinig ko lang yung themesong nila ay para na akong nag-time machine from 11 years ago. Hehe. At sa tingin ko my HS life would never be the same without Meteor Garden. ๐Ÿ™‚ Sila kaya ang mga first loves ko. Haha.

8. Yung baon ko dati noong fourth year, laging may pansit paborito ko kasi yun, ewan ko ba kung bakit hindi rin ako nagsasawa. Hehe. Nagtitinda ng ulam tita ko dati at hindi talaga ako umaalis kapag hindi pa luto ang pansit.

9. Fourth Year – pinakamasayang bahagi ng HS life ko, dahil kasi last year ko na sa HS at sa Davao tinodo ko na. Hindi kasi talaga ako mahilig mag-attend ng school activities dahil school bahay lang ako pero nung fourth year inan-ttendan ko lahat ng school activities para naman wala akong pagsisihan diba. Hehe ayun.

10. May photographer sa school namin, tawag sa kanya maniniyot, tag-lilimang piso bawat picture at lagi kaming nagpapapicture sa kanya ๐Ÿ™‚ Isa siguro siya sa mahahalagang tao doon sa school na hindi malilimutan ng mga estudyante dahil siya ang nakakita at nakasaksi ng maraming pagkakaibigan at pag-iibigan Tiba-tiba nga yun eh, bukod sa photographer siya sila pa may ari nung juice sa gilid ng school.

#toomuchhighschoofeels K bye.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.