Meteor Garden

May 2003 ng una ko silang makilala at talaga namang nahulog ang loob ko sa kanila. Napamahal ako agad sa apat na gwapong lalaking ito at bigla akong nagkaroon ng instant boyfriends sa katauhan nila. May nakita akong video nila sa fb feed ko kaya bigla ko silang naalala at ang mga sandamakmak na memories na kaakibat nila at heto ang ilan sa mga yun:

meteor garden

1. Derecho uwi na ako sa bahay para lang maabutan sila sa hapon, at ewan ko ba kung bakit parang mamatay ako pag di ko sila mapanood.

2. Yung tita ko minsan nauutusan ako habang commercial break ay halos lumipad ako makabalik lang agad.
3. Kompleto ako sa mga MG memorabilla mula sa notebook, ballpen, tshirt, poster, mug at kung ano-ano pa at dun lang talaga napupunta baon ko haha

4. Meron akong malaking poster nila sa kwarto ko dati at lagi ko silang kinakausap bago ako matulog. Parang sa yung naging shrink ko kahit na hindi naman nila ako maririnig. Hahaha

5. Crush ko talaga si Vaness dahil sa buhok nya pero kilig na kilig ako kay dao Ming xi haha Pinangarap ko din ng lalaking ganun, yung ipagtatanggol ako kahit kanino, kahit kailan, kahit saan

6. Meron akong Dao Ming Xi nung 3rd Year HS kami, feeling nya member din sya ng f4 hahah pero true, gwapo sya at patay na patay ako sa kanya haha

7. Araw-araw sinusulat ko sa notebook ko ang mga nangyari sa bawat episode para di ko makalimutan.

8. Memorize ko din halos lahat ng kanta nila kahit na hindi ko naman maintindihan haha

9. Todo boto din ako sa MYX dati at inaabangan ko ang nga Music Video nila lalo na yung sa MYX Daily Top 10.

10. Inspirasyon ko sila, mas naging madaya ay memorable and High school ko dahil sa F4, dahil s lessons na tinuro nila, sa mga kantang nakapagbigay saya at iba pa.

Siguro kug meron lang youtube dati, sobrang sikat nila at sobrang kinabaliwan na talaga sila. Isa lang ang masasabi ko, iba sila! Wala silang katulad, wala pang nagpadama sa akin na ganun kahit na sinong artista o ano pa man and thats what makes them special to me.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.