My Basketball Story.

First of all, Nope I don’t play basketball. I can’t even dribble properly nor shoot a ball. But I am a basketball fan since Elementary. It started when I  first watched  the Metropolitan Basketball Association back in 1998. At dahil may pagkaregionalistic ako that time, pambato ko ang Cebu Gems and then I noticed the Cebu Hotshot Dondon Hontiveros. He was still starting his career but then ang galing na nya. Sya ang nagmulat sa akin sa basketball, ang hapon ko ay nakalaan upang panoorin sya na maglaro para sa Cebu. At kahit natigil sya sa paglalaro para sa MBA at  nalipat ng PBA ay sinundan ko padin ang career nya, lalo na nung nalipat sya sa San Miguel Beermen, OMG! BEERMEN paborito kong team noong panahong magkakasama pa sila Dondon Hontiveros, Danny Ildefonso and my forever crush Olsen Racela. And now I am so proud with Dondon during the Gilas game with Japan, he totally nailed it! Umulan ng 3 point shots at actually sya ang dahilan kung bakit naisipan kong isulat ang post na ito. Hahaha. Sobrang nakakamiss lang manood ng basketball, tumitigil ang mundo ko dati pag naglalaro ang mga paborito kong teams. Actually, I am a forever Beermen Fan Girl!

High School naman ako ng mahilig ako sa panonood ng NBA, 2002 iyon at si Jason Kidd ng New Jersey Nets and Allen Iverson ng Philadelphia Sixers ang aking mga naging unang idolo. Parehas silang point guard ng kani-kanilang team and I super love the fact na ang gagaling lang nilang lumusot-lusot at makakuha ng puntos. Lagi ko inaabangan ang mga laro nila and I infact have a large AI Poster in my room. Although si Kidd  at Iverson ang mga nauna kong napansin sa NBA, ang San Antonio Spurs talaga ang naging number 1 sa puso ko haha. Nainlove ako kay TONY PARKER!! OMG! Sya ang love of my life ko noong third year ako. Haha ang galing kasi talaga nya, pansin ko lang mahilig ako sa guard hahaha. But of course paborito ko rin si Tim Duncan and Manu Ginobli. Noong panahong nanonood pa akong NBA, sila ang mga hari ng Spurs. Nakakamiss dahil pinapanood ko lagi dati ang NBA para magdating ng Lunes ay may maishare din ako sa kwentuhan namin nila Alvin at Bruce. Haha and weird lang na during that time, I was the only girl in our class who liked basketball na akala ko nga magiging tomboy ako haha. Kung hindi ko lang crush si Alvin nun, aakalain ko talagang tomboy ako haha.

2nd Year High School naman ako nang mabaliw ako kay Sendoh at Rukawa ng SlamDunk. Haha kahit na si Sakuragi ang Bida ng palabas ay nanonood ako dahil kay Sendoh lalo. Haha. Lumilipad ako pauwi galin school pag hapon para lang mapanood silang maglaro. Ewan ko ba bakit iba ang epekto sa akin ng palabas na to haha. Nakakatuwa din naman ang mga kapalpakan ni Sakuragi at ang mga paghahabol nya kay Haruko, pero jusko sobrang patay na patay ako kay Sendoh at first time ko magkacrush sa cartoon character haha. Legit Crush! OMG! Hahaha. Nakakamiss lang panoorin ulit, sayang nga lang at hindi na naituloy ipalabas ang kanilang Inter-High Journey masaya sana yun, makikita ko sana kung paano mag.evolve at gumaling si Sakuragi at kung ano na ang mangyayari sa kanila ni Haruko at ni Rukawa. Hahaha. Meron daw sa mangga kaya lang tinatamad akong basahin dahil kabagal ng internet namin. Huhu ayun pero sana gawan nila ng movie. Hahaha. #excited!

Sa ngayon, hindi na ako masyado nakakanood ng PBA o NBA pero tinatry ko talagang manood kapag naglalaro ang Gilas para suportahan ang ating mg manlalarong Pilipino. Nakakaproud lang ngayon na unti-unti na silang umaangat sa rankings nila. Nakakatuwa na nagpapay-off na yung mga pagod nila. Sana makapasok silang Olympics sa 2016! GO GILAS!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.