Why I decided to disconnect

I am a social media fan, halos lahat yata ng flatform natry ko na tulad ng fb, twitter, instagram, pinterest, burple, foursquare, tumblr, google, youtube, vimeo, at yung mga dati na friendster, plurk, multiply, tagged, photobucket at iba pa.  I have always loved how it made difficult things easy and how it made sharing lives and experience easier too. It made the connection with people INSTANT. Malaki din ang tulong ng social media para mapromote ang mga businesses, mga worthy causes and also products na nais nating ibenta pero on the other hand, meron din itong malaking epekto sa pag-iisip at pagkilos ng tao and I think its slowly affecting mine.

Reasons why I decided to disconnect, for a while.

LIES– pwede mong kunan ng picture ang isang bagay at sabihing saiyo. Pwede mong gamitin ang picture ng isang tao at sabihing ikaw yun. Pwede mo lahat gawin yun to deceive others, to make other people think that your life is better than theirs, or you are having the time of your life (when infact you are having a midlife crisis) or that you are the moat beautiful and loved person because of the likes and comments you get.  Whatever you post will shape your life in social media kahit na sa totoong buhay masyadong malayo ang posts mo sa realidad.

Exibit A: One friend is going through depression, pero hindi mo iyon makikita sa mga status nya. Puro masasayang larawan at experiences ang nakalagay sa newsfeed nya pero hindi parin nito nababago ang fact na depress sya. And maybe one of the reason why she is depress is because of social media pressure. Like me, I have experienced it a lot of times lalo na kapag nagsscroll ako sa newsfeed ko. At first okay sa akin na nakikita ko ang updates ng friends ko sa newsfeed ko pero habang tumatagal na.isstress na ako while scrolling. Why? Dahil sa pressure, there will always be people whose lives are better than mine, whose job is better than mine, who has a happy love life (mas apektado ako sa may mga baby na huhuhu)  or who travels a lot and got the chance to see the world.  Nakakapressure lalo na kung wala yun lahat sayo. Hahaha. Nakakainggit din makita ang iba mong kaibigan na nagkikita-kita at hindi ka ininvite! OMG sakit sa puso haha feeling mo hindi ka belong kaya ayun you try to make yourself happy nalang by doing other things.

Exibit B: One friend found  his last girlfriend in facebook. They were so inlove and alam mo yung Social Media PDA? YES! At nakakaumay hahaha. I mean pwede namang PM diba? 😉 Pero ito talaga ang totoong kwento, he later found out that his girlfriend is a poser. Poser, ibig sabihin yung mga litratong nakikita nya at nakapost sa fb ng girlfriend nya ay hindi naman talaga sya. So sino ang kausap nya? Nakakatakot at napakahirap magtiwala ngayon. That experience made me more concious and careful sa mga posts ko, baka may poser na pala ako hindi ko lang alam diba. Haha. (Okay feelingera na talaga ako dito 😂)

DISCONNECT– Because of social media, napakadali nalang bumati ng Happy Birthday ( dahil nakanotify ka naman unless nakaprivate ang birthday nya) , mag.usap sa Chat, o magkulitan sa comments pero nawawala na ang totoong interaction. Kahit nga magkakasama kayo nag.uusap parin kayo sa chatbox. Namimiss ko lang siguro ang totoong bonding, kantahan,  totoong usap at kung ano-ano pa. Nakakamiss lahat ng may physical connection. When you post something sad in your status, people will comment that they are there for you, but are they really? Kasi minsan mas gusto ko lang naman ng taong makikinig sa rants and talks ko or yung taong yayakap sa akin kung talagang di ko na kaya. Hayy. Pero ngayon, people will just post a selfie and then her/his friends will comment or like and then she/he will feel a bit better. Ganun na lang ba natin masusukat ang saya, ang pagkakaibigan, ang worth ng isang tao? Sa pamamagitan ng likes or comments or shares? Inaamin ko dumating sa point na naging ganun ako pero buti nalang nawala na. Ni ayaw ko ja nga magpost ngayon, kundi lang talaga kailangan ko ng fb dahil sa ginagawa ko I would gladly delete my account. Pero sabi ko  nga sa una diba, it makes our life easier, yes easier but less meaningful.

Nakakamiss kayang makareceive ng sulat mula sa mga kaibigan, o magtelebabad sa telepono, magjamming at gumawa ng kanta  kasama sa barkada. Nakakamiss manood na movie together, nakakamiss maglaro sa labas sa bahay o tumambay. Nakakamiss makipagchikahan ng matagal about life lalo na pag matagal na hindi nagkita. Nakakamiss ang simple kahit mabagal. Mas nakikita mo kasi ang effort, mas nakikita mo ang halaga.

Sana hindi dumating ang panahon na lamunin tayo ng social media, sana wag nating hayaang mangyari yun. Kaya kung minsan feeling mo kailangan mo magdisconnect, do it. Ang sarap sa feeling na hindi ka updated, nakakarefresh ng utak mas makakapag-isip ka. Find sometime every month to disconnect. I mean really disconnect, no wifi, no signal kung pwede no phone.

-thaedab

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.