#tbtpost: Pagninilay-nilay

Posted last October 9, 2010 | https://badeathsworld.wordpress.com

Naniniwala ako sa kasabihang “Hindi tayo bibigyan ng problema ni GOD kung alam nyang hindi natin kakayanin” at “lahat ng bagay na nangyayari sa buhay mo ay may dahilan”.

Ang tagal ko nang hindi nagboblog. Haitus mode nadin ako ah, wala ng updates sa mga paborito kong bloggers. Ang dami na kasing nangyari at talgang mahirap pang ikwenton sa ngayon, Minsan napapatanong tuloy ako, Paano ko ba napasok ang gulong to? at bakit ko ba pinasok ang gulong to? at bakit andito parin alko sa gulong to?

Nitong mga nakaraang araw, maraming mga bagay ang pumukol sa aking kamalayan.

Pasensya. Importante para hindi na lalo pang lumaki ang gulo, pasensya para hindi mawalan ng poise at respeto. Pasensya at isang paalala sa sarili na huwag bumaba sa level ng isang taong galit at frustrated dahil kung mawala sayo ang pasensyang yun, magiging katulad ka na din nya.

Tiwala. Ako ang klase ng taong pag binigay ang tiwala ay buo, todo bigay kumbaga. Pero sa oras na nawasak yun, mahirap ng buoin pa. Dahil ang tiwala ay parang isang baso, na pag nabasag ay pwedeng ngang buoin pa ngunit kahit anong gawin mo, may lamat na. 

Respeto. Mas masarap maani ang respeto mula sa mga taong nakapaligid sayo dahil sa nirerespeto ka talaga nila at hindi dahil sa takot lang sila sayo. Mas masarap maramdaman na totoo sila nakatalikod o nakaharap man sila sayo, hindi yung pag wala ka na, nawala nadin ang respeto nila sayo.

Keep your feet on the ground. Kung ano man ang iyong marating sa buhay, gaano ka man kataas gaano ka man kayaman, ano man ang natapos mo, siguro mas magandang paminsan-minsan paalalahanan mo din yung sarili mo na wag maging masyado mapagmataas. Ikaw ang umitindi sa taong hindi nakaka-intindi. Ikaw ang magmahal sa taong hindi marunong magmahal at ikaw ang magpatawad sa taong hindi marunong magpatawad.

Mabuting Intensyon. Ano ba ang intensyon? Para ba sa mabuti o para sa masama? Wag mong laging pagduduhan ang bawat aksyon ng isang tao, Give him the benefit of the doubt ika nga. Which is napakahirap gawin para sa akin dahil sa mahilig talaga ako magduda at matagal magtiwala.

Serve. Masarap tumulong sa iba, lalo na kung makikita mo na agad ang resulta. Nakakapawi ng pagod ang kanilang mga ngiti, nakakaalis ng lungkot ang kanilang mga pasasalamat at papuri.

Saludo. Mahirap pala talga ang maging isang teacher, saludo ako sa mga naging teachers ko noon at ngayon sa sobrang haba ng patience nila, sa commitment nila sa trabaho nila. Mahirap maging guro pero masarap maging guro lalo na kung napamahal kana sa iyong mga estudyante. Pero ayaw ko padin maging teachher. Huli na yun :”) hehe Hindi yun yung path ko ee, papalpak lang ulit ako. haha

Be Strong. Ang hindi pag-amin sa iyong kahinaan ay magreresulta ng pagkabaliw. haha . As much as possible, be strong but don’t be afraid to show that you are also weak. AS IN NEVER. nakakamatay yun 🙂  Hindi naman natin kailangang solohin nag mga problema ee, kaya nga may mga kaibigan diba? na handang makinig at tumulong kung kailangan. Hindi mo kailangan maging si wonderwoman o si superman para kargahin ang problema ng mundo. Ilabas mo, malay mo may handang pumasan ng mundo para sayo .

Friends. Tunay na kaibigan. sila yung mga taong laging anjan, hindi lang sa good times kundi lalo na sa bad times. Yung mga kaibigan ko ngayon, ang reason kung bakit hindi pa ako baliw at nasa matino pa naman akong pag-iisip. Sa dami ng pinagdadaanan namin together this past 2 months, everyday sa lahat ng stressed at emotions na na-invest. I don’t think kakayanin kung mawala sila 🙂 Sila na yung pamilya ko. 

Forgive. “Wag na wag kang magtatanim ng galit sa puso mo, dahil magiging katulad ka niya” Actually, oo nagiging kagaya na nya ako at ayaw ko na maging ganun ako, pero alam ko sa sarili ko na hindi sya yung tipo ng tao na gagayahin ko. I will be ok, soon. I’ll just let this anger pass and I will be ok. It will be ok.

Little Things. Ang buhay ay hindi lang puti sa puti, itim sa itim dahil mayroong ROYGVIB may rainbow ika nga 🙂 Maraming mga bagay na maaring ikasaya, hindi lang pera, hindi lang kapangyarihan, hindi lang kagandahan.  May mga bagay pa na mas mahalaga, tulad ng tunay na kaibigan at totoong ngiti, tunay na pag-ibig at ang sunset. 😀

Learn to say Thank you to those who have helped you, but don’t let them control your life, dahil buhay mo yun. Don’t let someone influence you, instead let someone inspire you.

Every ending is a new beginning 🙂

THAEDAB SIGNATUREFOR BLOG

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.