Then and Now: Ang Ultimate Throwback ng Feelings

Nawawala ba talaga ang pag-ibig? Gusto kong malaman kong nawawala ba talaga ang pag-ibig kaya gusto kong subukan. – San Chai

Dear BFF,

I am currently rewatching MG now, inunahan ko na ang ABS-CBN sa kanilang ultimate throwback dahil sa sobrang pagkasabik. Sino ba naman ang hindi nakamiss sa F4 at kay San Chai at sa lahat ng ala-alang kaakibat nila. Alam mo ba kasabay ng muli kong pagsubaybay sa lovestory ni Dao Ming Xi at San Chai muli din nagbalik sa akin ang lahat ng rason kung bakit kita minahal at bakit mahal parin kita. Muling nanariwa ang isang damdaming akala ko unti-unti nang nawawala. Mali ako, hindi pa pala. Napatunayan kong hindi pala nawawala ang pag-ibig. Sa mahigit sampung taon na nakilala kita, at kahit siyam na taon na tayong hindi nagkikita ay nandito ka parin sa puso ko, nakatago sa isang sulok ng aking puso. Oo, hindi naman ako manhid para hindi magkagusto sa iba, nasaktan narin ako dahil minahal ko sila. Pero alam mo ba, kahit madami nang dumaan sa buhay ko wala paring tatalo sa nadarama ko maisip lang kita.

Parang si San Chai kapag yakap siya ni Aze, I love it when you hugged me. Parang gusto kong matunaw, I feel safe and protected para bang walang sino man ang maaaring makasakit sa akin. I always treasure all the times you held me in your arms. Yung mga times na bigla mo nalang akong yayakapin, kahit na sinasabi kong nakakainis ka sa totoo lang puno ng galak ang puso ko dahil yakap mo ako. Yes, alam kong feelingera na naman ako ngayon pero totoo, sayo ko lang yun nafeel.

Tinanong ako ni Marco dati, bakit daw ako bodats? I don’t even know what that is, pero ang alam ko lang gusto ko maging katulad ni San Chai, parang damo na pwede tumubo kahit saan at bumabalik parin kahit anong bunot at tapak ng ibang tao. Ikaw kasi ang rason ng bawat muling pagtubo ko, ikaw yung tubig na nagpapawi ng uhaw ko, yung hangin na hinihinga ko, yun lupang kinakapitan ng mga ugat ko at ang araw na nagbibigay lakas sa akin.

You are my Dao Ming Xi, I used to write that in my one fourth sheet of paper noong third year tayo. Parang si San Chai, gustong-gusto ko nang sabihin na gusto kita, na sobrang mahal kita pero nawawalan ako ng lakas, nawawalan ako ng boses. Kinakalimutan ko yung damdamin ko dahil natatakot akong mawala ang pagkakaibigan natin. Ang pagkakaibigan natin ang isa sa pinakamahalagang bagay sa buhay ko, at hindi ko yun kayang mawala. I know wala tayong communication for like 2 years now pero ikaw kasi yung taong kahit mawalan man tayo ng communication ng limang taon ( tulad dati ng maging girlfriend mo si C) magkausap man tayo ulit ay parang hindi tayo nalipasan ng panahon, parang walang nagbago. Natatakot akong sabihin, kasi gusto ko pag nagkita tayo ulit, pwede parin kitang yakapin tulad ng dati kahit bilang kaibigan lang.

May mga pagkakataong gusto ko nang isuko tong feelings na to, maraming pagkakataon na gusto ko nalang lumimot pero narealize ko na hindi pala talaga natuturuan ang puso. Ang tigas netong puso ko, sabi nya para lang daw siya sayo. Sa mga pagkakataong naiisip kong kalimutan ang lahat, binibigyan ako ni God ng libo-libong rason kung bakit hindi ko yun dapat gawin. Kaya siguro hanggang ngayon, nandito ka parin nakastich sa puso ko. Napagod na akong sumubok na kalimutan ka kasi, wala namang epekto. Siguro nga, dumating man ang panahong hindi na talaga pwede ( kung sakaling mag-aasawa ka na) hindi parin ito titigil sa pagtibok para sayo dahil isa kang malaking parte ng pagkatao ko na kahit anong gawin ko hindi ko matanggal sa sistema ko. Hindi ako titigil na mahalin ka, katulad ng pagpapalipad ng sarangola, makokontento na lamang tingnan ka mula sa malayo. Ngunit kahit malayo ka, mananatili kong hahawakan ang pising nagdudugton sa atin, dahil kaligayahan kong makita kang lumilipad sa langit, masaya at malaya.

Ikaw yung dahilan bakit ko ginagawa yung mga bagay na ginagawa ko ngayon. Hindi ko alam kong may kahahantungan, kasi hindi ka nga nagtetext diba pero ang alam ko lang kung sakaling bigyan man ako ng pagkakataon ni God na makasama ka, gusto kong maging worthy para sayo. Gusto kong maging mabuting tao kasi gusto kong ipagmalaki mo rin ako. Hindi ako anak mayaman, maganda at model tulad ng mga naging girlfriends mo, isa lang naman ang kaya kung ipagmalaki sayo, na I made a difference sa buhay ng iba at yun ang kayamanan ko, yung ang lamang ko sa kanila. Hayy ang drama ko, hoping na na naman ako, pero sa tuwing naiisip ko na imposible, pinapaalala sa akin ng Diyos na sa Kanya ay walang imposible. Kaya naman hanggang ngayon ay naniniwala at umaasa parin ako, dahil pinanghahawakan ko ang pangako ng Diyos na iyon. Kung sakali mang hindi nya talaga ako pagbibigyan, maiintindihan ko dahil alam kong may maganda siyang dahilan.

Kung may dumating man sa buhay ko, hindi ibig sabihin nun na papalitan na kita dahil kahit kailan walang papalit sayo. Walang sino man ang makakapadama sa akin ng mga feelings na pinadama mo. You will always be my Dao Ming Xi, my strength, my inspiration, my best friend forever and the love of my life.

“I have died everyday waiting for you, darling don’t be afraid I have loved you for a thousand years, I’ll love you for a thousand more.”

Yes, I will be forever waiting for you. For the moment when I have the courage to say that I love you. I have been praying for that right moment to come. I will be forever waiting dahil alam ko na you are worth the wait. I will be forever waiting cause I know na ikaw naman ang grand prize. I will forever be waiting for you, the love of my life. At sa huling pagtibok ng puso ko, kung hindi man ako pagbigyan ng langit, hihiling akong muli na ipadala sa hangin ang yakap ko’t halik at pag ito’y sayo dumampi malalaman mo na ito’y galing sa akin.

Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita. Kahit kailan hindi ko malilimutan kung kailan nagsimula ang lahat. Nandito lang ako lagi, para sa yo.

Kung mabasa mo man to, alam kong alam mo kung sino ka.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.