NUNG BATA PA AKO: 30 TBT FACTS ABOUT ME

Exactly 14 days from now, muli ko nang itatapak ang aking mga paa sa bayan kung saan ako lumaki, sa Laum-Atabay Sta.Cruz, Ronda Cebu. I am so excited, it’s been 11 years nadin kasi simula nang umalis ako dun at ni isang beses sa 11 years na yun ay hindi man lang ako nakadalaw ulit.

Sa totoo lang excited at takot ako. Excited dahil sa mga dati kong kaibigan na nais kong muling makita at sa mga lugar na nais kong muling puntahan. Takot dahil paano kung nag-iba na pala ang lahat at hindi ko na sila masakyan pa? Paano kung sa pagbalik ko sa mga lugar na dati kong kanlungan ay nawala na pala ang mga alaala. Ang drama.. haha.

Basta super excited nako umuwi para akong may wedding jitters kuno (hindi ko kasi alam kung ano tawag dun kung hindi naman ikakasal.haha)

Random Facts about me (elementary edition) haha

  1. May crush ako nung grade 1 palang ako. Magkatabi kami sa upuan pero isang buwan lang ata yun at kinokopyahan ko sya. Haha. Naalala ko pa dati hindi ko alam ang spelling ng “TABLE” kaya ang ginawa nya ay pinakita nya saken ang papel nya at kinopya ko. Mabuti nalang hindi ko nakopya pati pangalan nya. Haha. Parehas kaming first honor nung grade 1 kami. Hehe. Actually Naging kami five years after naming gumraduate ng elementary pero wala ding nangyari. Haha sa ngayon may anak na sila ng kaklase din naming dati and they seemed happy kaya masaya nadin ako para sa kanila.
  2. Nung grade 2 ako ay ginawan ako ng lolo ko ng “BOLO” yung pantagal ng damo para sa gardening class naming. Ang cute ng bolo ko at super talim pa kaya lagi yung hinihiram ng mga kaklase ko. Mula grade 2-6 ay yun ang ginamit ko.
  3. Ako ang taga-sulat sa blackboard mula grade 3 to grade 6. Kaya lagi akong lugi dahil wala akong laging notes haha. Ako din ang taga.check ng attendance at nung grade 4 ay taga.lista kung sino ang maingay at nagsasalita ng tagalong. 25 cents kada tagalong word na sambitin, kaya naman kahit na mag.ingay ay exempted ako hehe
  4. Nakakahiya mang sabihin pero isa akong teachers pet haha. Lagi akong binibigyan dati ng teacher ko sa Industrial Arts na si Mr. Noel ng limang piso haha.
  5. Ang room namin nung grade 4 ay tinirhan ng mga bubuyog nang magbakasyo kaya nung unang araw ng pasok ay ang dami kong kagat ng bubuyog sa mukha at likod. Ang ginawa ng mga kaklase kong lalaki ay nagsunog ng dahon Japanese (di ko alam kung ano tawag ditto sa tagalong basta ang alala ko Japanese tawag naming haha) at yun nawala na nag mga bubuyog
  6. Sementeryo daw yung likod ng classroom naming nung grade 2. Kaya takot na takot ako nun kapag hapon na. haha Umuuwi ako agad pagkatapos ng gardening naming dahil baka magsibangunan yung mga patay sa likod ng school
  7. Nung Grade 4 ako, namatay yung pinsan nang kaklase ko dahil nasagasaan ng truck. Nagkalat yung brain nya sa kalsada malapit sa scholl namin, ang mga sabi.sabi may nakita daw syang matandang dapat sasagasaan kaya tumawid sya upang tulungan yung matanda pero wala namang matanda. Kaya ang paniniwala ng nakakarami ay na.engkanto sya. Friday the 13thdin nga pala sya namatay kaya naman takot talaga ako kapag Friday the 13th
  8. Sabay-sabay kami umihi ng mga kaibigan kong babae at nakahilera pa, at padamihan ng ihi.
  9. Pinasali ako dati nung grade 6 ng Ms.Nutrition kaya lang di ako nanalo kasi mahiyain pa ako nun, napilitan lang talaga ako kasi wala naming choice yung teachers ko. Haha
  10. Nung kinder ako ay nagging REYNA ako sa school namin, alam mo yung paramihan ng masosolicit na pera tapos kung sino ang pinakmarami syang panalo at ang reyna daw ng year na yun. Simula na nun ay halos taon.taon gusto ng mga teacher ko na ako ang mag.turn-over ng korona sa mga bagong reyna kasi may mga damit na ako (pinatahian kasi ako ng nanay ko dati ng apat na damit para sa event na yun) Naalala ko pa pag.nagfloat, naghahagis kami ng kendi sa mga taong nag.aabang sa amin hehe nakakatuwa..
  11. Umiyak ako nung grade 2 recognition day naming dahil may trophe yung first honor ng kabilang section at ako ay wala.. haha
  12. Dati pag.graduation, nagbibigay kami ng lechong manok sa teacher namin. Hindi naman kami required pero nagpapakatay ng manok ang lola ko para sa teacher ko na isang taong ding nagtiis sa akin.
  13. Naperfect ko ang lahat ng subject sa final exams namin ng Grade 2 at binigyan  ako ng  Php25.00 per subject ng teacher ko. Hehe tuwang.tuwa ako nun kasi may pambili na ako ng kendi at chichiria.
  14. Every recognition day ay pinapadalhan ako ng mama ko ng damit para sa rampa. Kaya laging bago ang damit ko sa recognition dahil umiiyak ako kapag hindi, actually lahat kaming magkaklase laging bago ang damit pag recognition day.
  15. Iba-iba ang kasama ko sa stage dahil hindi naman umuuwi mama ko dahil sa work nya at ayaw din umakyat ng stage ng lola ko kaya minsan nakikihitch ako sa parents ng mga kaklase ko.
  16. Ako si DAHONG ANAHAW sa play naming nung grade 4 during the Independence day celebration.
  17. Mahilig ako maligo sa ulan dati, iniiwan ko nalang sa lagayan ng walis ang bag ko at naliligo na ako ng ulan pauwi. Naghahabulan kami ng mga kaklase ko habang umuulan sa gitna ng kalsada.
  18. Mahilig na talaga ako sa pancit dati pa kaya yun yung paborito kong ulam (kahit hindi naman talaga sya ulam)
  19. Every year nangungumpisal kami sa pari na dumadalaw sa school namin. Kaya feeling ko dati ang banal.banal ko. Memorize ko pa ang apostles creed.
  20. Sumasama ako lagi pag.naghaharvest ng mais ang lola at lolo ko, kasi nakikikain ako dun sa mga tumutulong magharvest.
  21. Paborito kong playground yung bakuran ng Aling Rita kasi puro Bermuda at ang daming bunga ng mga prutas nila. ( sadly wala na ngayon ang lugar na yon, parehas na ring patay si ALing Rita at Mang Simo)
  22. Nagitinda ako dati nang yema nung grade 4 ako sa halagang 50cents para lang may extra baon ako.
  23. Phone.pal kami dati ng kaibigan kong si Laarni at nang iba pa naming kaklase. Pero iniiba naming yung name namin.
  24. Pagkagising ko sa umaga, ako na ang bahala sa sarili ko dahil wala na ang lola at lolo ko nasa maisan na sila at iniiwan nalang sa lamesa ang pag.kain ko at ang baon kong dalawang piso
  25. Naglalakad lang ako papasok at pauwi galing school. Dinadaanan ako ng kaibigan kong si Hani at dinadaanan namin si Laarni.
  26. Lagi akong binibigyan ng nanay ni Laarni ng Hearty Flakes na biscuit.
  27. Nagging Flag Bearer ako dati sa school band naming. Ewan ko ba dun sa teacher naming at ako na naman ang napag.diskitahan. hehe pero ok lang kasi libre naman lagi ang pag.kain kapag may event haha
  28. Nakakarating kami kung saan.saan ng mga kapitbahay ko sa pangunguha ng bayabas, tapos ay benebenta ko ito para may pambaon ako. Sumusuot kami sa mga gubat at nangunguha ng bayabas, masaya at nakakatuwa lalo na kung malalaki ang nakukuha namin.
  29. Mahilig ako sumama sa lolo ko tuwing pyiesta sa Laoan, Dumanjug. Andun kasi yung mga kamag.anak nya kaya ini-isa-isa naming ang mga pamangkin nya sa sampu nyang kapatid. Isang baranggay yata ang kamag-anak namin doon. Sa gabi ay ang dami kong bitbit na ulam. Haha.
  30. May crush ako sati na pinsan ng kapit.bahay namin. Bakasyon lang sya napapadpad sa amin at sya ang nagturo  sakin ng kantang Waiting For your Love. Habang kumakain kami ng pizza na dala nya.

Ang mga bagay na iyan ang isa sa bumuo sa akin at ni minsan hindi ko makakalimutan. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.